Sa kasamaang-palad, ang pagnipis na mga pilik-mata ay bahagi ng proseso ng pagtanda. Kaya, kung ang iyong mga pilik ay parang hindi parehas ang haba at kapunuan na tulad ng dati, huwag mabahala, sa karamihan na mga kaso, walang rason para mabahala. Gayon din, dapat mong ibahagi ang anumang pag-aalala sa taga pag-bigay ng pag-aalaga ng iyong kalusugan.
Ang pagtubo ng pilik-mata ay may apat na mga yugto: pag-tubo,pag-papahinga, pagkalanta at muling paglaki. Ang iyong mga pilik ay patuloy ang pag ulit-ulit sa apat na mga yugto na ito. Habang nagkaka-edad tayo, ang pilik-mata sa mga follicle (ang mga butas sa balat kung saan tumutubo ang pilik) ay maaaring bumagal o tumigil sa paggawa ng bagong mga pilik ng sabay-sabay.
Bukod sa edad, mayroon pang ibang mga rason na ang isang tao ay maaaring hindi magkaroon ng sapat na mga pilik. Maaaring mapabilang ang mga ito:
Masyadong pagkakayod o pagkukuskos sa mga pilik-mata, kung saan maaaring mapinsala ang balat at sanhi ng maselang pag-laglag ng mga pilik-mata
- Pagmamana
- Medikal na mga kalagayan
- Ilang paggagamot at mga paglapat ng lunas
Kausapin ang iyong taga-pagbigay ng pag-aalaga ng kalusugan tungkol sa iyong mga pag-aalala; siya ay maaaring makatulong upang malaman ang ugat ng problema.
Meron ba akong anumang bagay na magagawa tungkol dito?
Ang magandang balita ay may mga numero ng mga pagpipilian para tumulong magbigay ng hitsura ng mas puno, mas mahabang mga pilik. Madami sa kanila ay pansamantalang ina-ayos, pero maaaring tumulong para makaramdam ng mas mabuti tungkol sa iyong hitsura. At harapin natin ito, bukod sa pagtulong para protektahan ang ating mga mata mula sa mga labi, hangin at sikat ng araw, ang makapal na mahabang mga pilik ay palaging tanda ng kagandahan.
Ilan sa posibleng pag-pipilian ay kabilang ang:
Meyk-ap. Maraming mga kababaihan ay bumabaling sa meyk-ap, pinaka-karaniwan ay maskara, kung saan pinapa-haba ang pilik o pinapa-kapal na mga pag-babalangkas. Siguraduhin na palitan ang iyong maskara bawat tatlong buwan para maiwasan ang inpeksyon.
Nabibiling mga produktong pampaganda at pampalago sa pilik na mga serum. May mga bitamina at paghalumigmig ang mga ito para mapahusay ang mga pilik.
Pekeng mga pilik-mata. Mayroong mahabang piraso na ini-lalagay sa iyong talukap ng mata o bilang isa lang sa mga buhok, ito ay palaging nakakabit ng pandikit para sa karagdagang umiiral na mga pilik at madalas na sanhi ng trauma sa mga pilik-mata na maaaring mag-resulta sa lalong manipis na mga pilik.
Makipag-usap sa iyong dermatologist. Kung napapansin mo na ang iyong mga pilik-mata ay manipis sa pag-lipas ng panahon, kausapin ang dermatologist para makita kung anong mga lunas ang tama para sa iyo.
Pagtatanim ng pilik-mata. Ang pagtitistis na pamamaraan ay talagang nag-lilipat ng mga follicle ng anit sa talukap ng mata, at kadalasang ginagamit sa matinding mga kaso.
Katulad ng dati, kausapin ang iyong taga pagbigay ng pag-aalaga sa kalusugan at siguraduhin na timbangin ang pros at cons ng lahat ng mga pagpipilian.